Loading...

Thursday

Anim na mga dayuhan, kasamang nasawi ng mga terorista sa Marawi City

Photo Source: Abs-Cbn
Sinabi ng gobyerno na hindi lang mga Maute Group at Abu Sayyaf ang nakikipaglaban ngayon sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City kundi mayroon ding mga dayuhan.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida sa press conference ng Armed Forces of the Philippines sa Davao City na nakapasok na sa bansa ang mga foreighn jihadist mula Malysia, Indonesia at Singapore. Ito diumano ang nagbunsod kay Pangulong Duterte na ibaba ang Martial Law sa Mindanao. Hindi lang daw kasi ito basta pag-aalsa ng mamamayang Pilipino kundi kinasasangkutan na rin ng mga dayuhan. May kinalaman ito sa panawagan ng ISIS na magpunta sa Pilipinas  kung nahihirapan ang kanilang mga kaalyado na magtungo sa Iraq at Syria.

Samantala, kinumpirma naman ni AFP spokesman Brigadier General Restituto Padilla ang balitang nakapasok na nga ang ilang foreign jhadist sa bansa. Sa 31 kasi na napatay ng tropa ng gobyerno sa bakbakan sa Marawi City ay anim sa kanila ang mga dayuhan. Pero hindi na idinetalye pa ni Padilla kung anu-ano ang nasyonalidad ng mga napatay na foreign jihadist.

Pero ayon na rin sa tagapag-salita ng AFP na matagal nang naninirahan sa Pilipinas ang ilan sa mga dayuhang taga-simpatya ng grupo. Ang ilan sa kanila ay nagtuturo at tinutulungan pa ang mga local terror group ng paggawa ng bomba at iba pa. Pero hindi pa diumano nila nakukumpirma kung nandito na nga sa Pilipinas ang presensya ng ISIS.

Source: Rappler



Loading...