Loading...

Thursday

3rd Most Wanted Drug Personality ng Laguna, Sumuko Dahil sa Takot Maitumba


Sumuko sa pulisya ang tinaguriang 3rd most wanted drug personality ng Laguna na si Danlex San Luis. Pero bago ang pagsuko, pinasok muna ang kanyang bahay sa Los Banos. Pero wala siya nang mga sandaling ‘yun.

Sa paghahalughog sa bahay, natagpuan ng mga pulis kasama ang mga brgy. tanod ang ilang sachet ng shabu at isang timbangan.

Napag-alaman din na noong  nakaraang buwan ay nakulong na rin pala ang kapatid ni Danlex dahil din sa iligal na droga.

Hindi naman itinanggi ni Danlex ang kanyang pagkakasangkot sa droga. Nangako pa siya na nagbabagong buhay na siya. Inamin din niya na kaya siya sumuko ay dahil natatakot siyang mapatay. Saka ayaw na niyang madamay pa ang kanyang pamilya sa gusot na kanyang napasok.


Ayon sa chief of policeng Los Banos, bagama’t sumuko si Danlex ay nahaharap pa rin siya sa kasong Comprehensive Dangerous Drug Act. 



Source: 24 Oras
Loading...