Loading...

Sunday

Viral: Lalaking Proud sa Kanyang Pag-ibig sa Isang Single Mother, Puring-Puri ng Netizens!

Photo credit: Kimark
Puring-puri ngayon ang isang Facebook user na si Kimark dahil sa kanyang pinost hinggil sa kanyang pag-ibig sa kanyang asawa na isang single mom. Proud niyang ibinahagi sa social media ang kanyang litrato kasama ang kanyang asawa at dalawang anak nito sa dati nitong karelasyon.

Binigyang payo ni Kimark  ang kalalakihan na huwag magdadalawang-isio na magmahal ng isang babaeng may anak na. Sinabi niya na hindi man sa iyo nanggaling ang bata ay maaari namang  maging dahilan ka para lumaki itong isang mabuting tao.

Hindi naman daw kinakailangan na maging kadugo mo ang bata para panindigan mo ito. Dapat ay tumbasan mo rin kung anuman ang ibinbigay na pagmamahal nito ng kanyang ina. Kumbaga, maging ka para sa mga bata. Dapayt nga raw ay maging proud ka kung single mother man ang iyong nakarelasyon dahil ‘di nila pinababayaan ang kanilang anak.

O, kaya r’yan sa mga may pagtingin sa mga single mother, huwag nang magdalawang isip na ipahayag ang nararamdaman. Eh, ano kung may sabit o hindi ikaw ang nakauna. Kung mahal mo naman ang isang tao tanggap mo dapat kung ano siya o kung anuman ang kanyang nakaraan. Meron nga d’yan kahit apat pa o higit pa ang mga anak ay minamahal pa rin nila ang babae. Sabi nga ng dakilang makata na si William Shakespeare, “Love is blind” at sabi naman ni Balagtas, “O, pag-ibig na makapangyarihan sa lahat, hahamakin ang lahat masunod ka lamang…” 


Loading...