Loading...

Thursday

Triplets, Nagtapos ng Top 3 sa Junior High School

Photo credit: Mary Joy Pascua
Marami ang humahanga sa Pascua Family ng Isabela matapos mapasama sa top 3 ang triplets na magkakapatid. Sila ay 16-taong gulang at nagtapos ng junior high school sa Nagullian National High School.

Nasungkit ni Ma. Dianah Terece ang pagiging first honor habang ang dalawa pa niyang kapatid na sina Ma Dianah Florence at Ma. Dianah Joyce ay second at third honor naman.

Sa panayam ng Abs-Cbn, sinabi ng ina ng triplets na si Mary Joy Pascua na simula pa lang kinder ay naglalaban-laban na ang kanyang mga anak sa pagiging top 3.

Sinabi naman ng magkakapatid na focus lang sila sa pag-aaral. Pero nagtutulungan din naman sila kapag mahirap ang assignments.

Pangarap diumano ng triplets na maging abogado gaya ng kanilang ama na isang hukom. Balak nila na sa Maynila na ipagpatuloy ang Senior High School.
Source: abs-cbn

Loading...