Loading...

Friday

Rapper at Fliptop Artist na si Badang, Kulong Dahil sa Seksuwal na Pang-aabuso

Kalaboso ang sinapit ng rapper at Fliptop artist na si Badang o Darwin Ferianeza. Ito ay matapos siyang ipakulong ng may-ari na kanyang tinitirahan dahil sa pangmu--molestya nito sa kanyang anak na babae.

Sa video post ng isang nagngangalang Christopher Dantes aka SLYKANE, maririnig ang kanyang boses na galit na galit kay Badang. Sinusumbatan at minura-mura niya ito dahil sa kabila nang kanyang pagkupkop at pagpapakain sa itinuring pa man din niyang kaibigan ay nagawa pa nitong pasukin ang kuwarto ng kanyang anak na babae. Sumisigaw diumano ang kanyang anak nang "Daddy, daddy, si Tito Badang nakatayo na lang d'yan hawak 'yung kamay ko!" 

Ayon pa kay Dantes, pangalawang beses nang nangyari ang ganito. Noong una ay sa kanyang pamangkin, pero ipinagtanggol pa nito si Badang. Tapos ngayon naman ay sa kanyang anak kaya’t ‘di niya ito maaaring palagpasin .Sisirain daw ng lalaki ang kasikatan ni Badang.

Dahil sa insidente, dinala sa presinto si Badang. Sa video, makikita ang anak ng tinitirhan ni Badang habang isinalaysay nito kung ano ang nangyari. Ayon sa kanya, nag-iinuman ang kanyang ama kasama si Badang sa baba ng kanilang bahay. Noong tumahimik na diumano ang paligid ay natulog na siya. Nagising na lang siya nang maramdaman niyang hinahawakan ang maselang parte ng kanyang katawan ng rapper.


Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang nangyari kay Badang. Sabi ng iba ay niliteral nito ang salitang ‘bars’ dahil ngayon ay humihimas siya ng rehas na bakal. May nagsabi pang mahilig daw talaga ito sa papaya na tumutukoy sa isa sa mga single ni Badang. 

Panoorin ang video:

Loading...