Loading...

Saturday

Paolo Ballesteros, Lumadlad na!

Marami ang nagulat nang ilantad ni Paolo Ballesteros ang tunay niyang kasarian na siya pala ay kasapi ng third sex. Ito ay matapos niyang mag-post ng picture sa Instagram na mayroon siyang ka-holding hands at parehong silang may suot na singsing. May nakasulat pang 2nd I Love You sa nasabing picture na waring tumutukoy sa kanilang 2nd anniversary.

Ang nasabing larawan ay naka-tag kay Roland Ochoa Anog na miembro ng dance group na G-Force. Ipinost din ni Anog ang kaparehong larawan sa kanyang Facebook account.

Si Paolo ay nakilala sa Eat Bulaga at lalo siyang sumikat dahil sa kanyang make up transformation. Dahil sa pagkahilig sa make up ay may mga nag-iisip na kasapi siya ng third sex. Kaya pala ang galing niyang gumanap na bading dahil totoo talaga ito. Pero meron din namang naniniwala na napagtripan lang niya ito. Hindi porke't nagmi-make up siya ay bading agad. Eh, mayroon nga raw siyang anak sa dati niyang karelasyon?

Sabi naman ng ilang fans ni Paolo na kung saan siya masaya ay hayaan na lang natin siya. Total buhay niya naman 'yun. Ang importante ay napapasaya niya tayo sa kanyang mga show.
Source: Inquirer, Instagram


Loading...