Loading...

Friday

Love Triangle, Posibleng Dahilan sa Pagkakapatay ng Dating Beauty Queen ng Bulacan

Photo Credit: GMA 7
Love triangle, ito ang nakikitang anggulo ng kapulisan sa pagkakapatay sa 23-taong gulang at dating lakambini ng Bulacan na si Mary Christine Balagtas.

Ang dalaga ay napaulat na binaril matapos itong bigyan ng bulaklak at tsokolate ng dalawang lalaki na nagpanggap na delivery boys. Lulan ang mga suspek ng motorsiklo. Posible diumanong mga hired killer ang pumaslang sa dalaga. Kung sino ang nag-utos sa kanila ay ito ang inaalam ng kapulisan.  

Ayon sa hepe ng Plaridel, Bulacan na si Police Supt. Julio Lizardo, sinabi sa kanya ng ina ni Balagtas na mayroong asawa ang nobyo ang kanyang anak. Ang asawa nito ay nasa abroad. Gusto na raw hiwalayan ng lalaki ang asawa kaya lang ay medyo natatakot pa ito.

 Sa salaysay pa ng ina ni Balagtas sa pulisya, ilang beses na raw nitong nakausap ang asawa ng nobyo ng anak sa telepono. Nakikiusap na ito na kung maaari ay hiwalayan na kanyang anak ang asawa nito.


Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nobyo ni Balagtas pati na rin ang asawa nito na nasa abroad. 

Source: 24 Oras
Loading...