Loading...

Monday

Kim Domingo, Itinangging Binastos Niya si Meg Imperial

    Kamakailan ay napabalita na binastos daw ng Kapuso actress na si Kim Domingo si Meg Imperial nang minsang nagkasama sila sa isang set. Ito ay ayon sa source ni Rose Garcia ng Abante.

   Base sa kuwento ng source ni Rose, abala diunano noon si Kim sa pagkalikot ng kanyang cellphone nang dumating si Meg. Lumapit ito kay Kim at nagpakilala at nang makikipagkamay ito kay Kim ay di niya pinansin.

   Sinagot naman ni Kim ang naturang alingasngas. Ayon sa post niya sa Facebook, sobrang paninira naman ang ginagawa sa kanya. Wala raw itong katotohanan. Hindi niya ito magagawa lalo na't nauna pa sa kanya sa showbiz industry. Ang kapal naman daw ng kanyang mukha kung kung di niya kakamayan ang nakikipagkamay sa kanya.

     Ayon pa sa Kapuso actress, magkaibigan daw sila ni Meg at madalas daw silang magkausap lalo na't magkasama sila sa isang show. Ipinagpagsa-Diyos na lang niya diumano kung sinuman ang naninira sa kanya.

Source: Facebook, lionheartv
Loading...