Loading...

Thursday

Doctor na Walang Ulo sa Picture, Viral sa Internet!

Viral ngayon ang larawan ng isang doctor ng walang ulo. Lumikha ng ingay ang nasabing larawan nang ito ay i-post ng isang Facebook user na nagngangalang Leslie Ursabia.

Ayon sa caption ni Ursabia, "Ano'ng gagawin mo pag ganito ang nakita mo while at the ER at 12mn? Magpapa ospital ka pa ba?"

Maraming netizen ang nawindang sa post ni Ursabia at nag-comment pa ang mga ito na sana ay sinabihan niya ang doctor na baligtarin ang suot niyang damit saka sunugin. Base na rin kasi sa pamihiin nating mga Pinoy, dapat ganito ang gawin kapag nakita mong may taong pugot ang ulo sa larawan. Pangontra raw ito para walang mangyaring masama sa nasa picture. May mga insidente na rin kasi na may nakitang walang ulo sa picture, pero walang ginawang aksyon kaya't namatay ito.

Sinabi naman ni Ursabia na napaka-awkward naman kung sasabihan niya ang doctor. Una, hindi naman sila magkakilala. Napag-alaman niya na subsob sa trabaho ang doktor nang sandaling makunan niya ito ng litrato.

Samantalang ginawa naman itong biro ng ilang netizens. Ayon sa kanila, nakayuko lang nang husto ang doctor kaya't nagmukhang wala itong ulo. May mga nag-post pa nga ng picture na wala ring ulo at may caption na medyo may pagka- sarcastic.

Totoo nga ba ang ganitong klase ng paniniwala? Kung may nangyari mang masama sa isang taong walang ulo sa picture, nagkataon lang ba ito? Nasa tao na rin 'yan kung maniniwala ka ba o hindi. Isa lang ang sigurado, marami ang interasado sa ganitong klase ng usapin kaya nga nag-viral ang post ni Ursabia.


Loading...