Loading...

Thursday

Dating Beauty Queen, Nakatanggap pa ng Bulaklak at Tsokolate Bago Patayin

Patay ang dating beauty queen na si Mary Christine, 23-taong gulang nitong Miyerkules ng umaga. Ito ay matapos siyang pagbabarilin.

Ayon sa ulat, nakatanggap diumano ng boquet ng bulaklak at isang kahon ng tsokolate sa dalawang lalaki sa bahay nito sa Brgy. Banga, Plaridel, Bulacan. Pero pagkalipas lang ng minuto ay binaril na ito ng isa sa mga suspek. Tumakas sila sakay ng motorsiklo.

Agad namang dinala sa hospital ang biktima, pero ‘di pa man nakararating ay binawian na ito ng buhay.

Sa ngayon ay blanko pa ang kapulisan kung ano ang motibo ng mga suspek para gawin ito sa dalaga. Isa sa anggulong kanilang tinitingnan ay kung may kinalaman ba ito sa pag-ibig.

Humihingi naman ng katarungan ang pamilya at mga kaklase ni Balagtas sa University of Regina Carmeli College. Nagpahayag ang mga kaklase nito ng kanilang galit sa pamamagitan ng social media.


Si Balagtas ay nagwagi noon sa La Bulakenya pageant noong 2009.

Source: Inquirer, GMA 7, ABS-CBN
Loading...