Loading...

Sunday

Babae, Kritikal Matapos Pukpukin ng Bato sa Ulo Noong Alay-Lakad

Photo credit: Rena Morales
Isang babae na nagngangalang Namie Morales ang kritikal ngayon at nasa ICU matapos pukpukin ng bato sa ulo habang ito ay nag-aalay lakad papuntang simbahan ng Antipolo.

Base sa Facebook post ni Rena Morales na pinsan ng biktima, nasa Masinag na sila noon nang may makaaway silang grupo ng kalalakihan. Wala diumanong mahampas ang kanilang mga nakaaway kaya't si Namie ang napagbalingan ng mga ito.

Katatapos lang diumanong operahan si Namie at mayroon itong namumuong dugo malapit sa kanyang utak. Kinakailangan ng 100 thousand pesos para sa gastusin sa ospital. Nagpapasalamat ang pinsan ng biktima sa mga tumutulong sa kanila sa pangangalap nang nasabing halaga.

Sa ngayon, wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek. Pero nangako ang pinsan ng biktima na 'di lang ito dito nagtatapos.

Samantala, nakakuha ng simpatya si Namie sa kanyang sinapit mula sa mga netizen. Anila ay napakawalang puso ng mga gumawa nito. Babae pa talaga ang kanilang pinuntirya. Mahal na Araw, pero ka-demonyohan naman ang kanilang ginawa.
Loading...