Loading...

Tuesday

Hipuan, Sampalan at Dukutan sa MRT, Viral sa Internet

Photo Credit: Rocky Hondrade


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang ipinost ng video ng Facebook user na si Rocky Honrade. Ito ay tungkol sa pag-i-eskandalo sa MRT ng isang babaeng nakasuot ng puting uniform dahil hinipuan daw siya ng isang lalaki na kanyang inaaway. Ayon kay Rocky, nangyari ang insidente noong March 23. 

Makikita sa video na sinisigaw-sigawan ng babae ang lalaki at sinasampal-sampal pa. Pilit niya itong pinalalabas ng tren. Hanggang sa mapilitang lumabas ang lalaki nang guwardiya na ang nagpalabas sa kanya.

Pero habang nagaganap ang kaguluhan, makikita rin sa video ang isang lalaki na nakasumbrebro na may dinudukot ito sa bulsa ng likod ng pantalon ng lalaking nanghipo diumano. Ipinagpapalagay tuloy ng ilang netizen na maaaring modus ang nangyari. Nang-away daw ang babae pero iba talaga ang pakay nito. Naawa tuloy sila sa lalaki, nasampal na ay nadukutan pa. 
May mga naniniwala namang sinamantala lang nang mandurukot ang sitwasyon na habang nagkakagulo ang dalawa ay sumallisi ito. Kaya't huwag munang manghusga kung kasabwat nga ng babae ang nandukot. 

      Nagpapaalala naman ang ilang netizens na dapat maging alerto kapag sasakay sa MRT dahil marami talagang mandurukot. Habang sabi naman ng iba na kung babae ka at ayaw mong masiksik ng mga lalaki, dapat doon ka sumakay sa puwesto ng mga babae. Puwede raw kasing nasisiksik ka lang. Akala mo lang ay may nanghihipo na sa iyo.




Loading...