Loading...

Tuesday

Cesar Montano, Binira ng Anak na si Diego Loyzaga sa Instagram Post

Naglabas ng hinananakit ang batang aktor na si Diego Loyzaga, anak ni Cesar Montano sa aktres na Teresa Loyzaga. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang mga post sa Instagram. Tinawag ng batang aktor ang kanyang ama na hipokrito, duwag at walang isang salita o di marunong tumupad sa pangako.

Naghihinanakit si Diego dahil limang beses na diumano siyang ipina-drug test ng kanyang ama at laging negatibo ang resulta. Pero sa kabila nito ay adik pa rin diumano siya sa paningin ng ama. Kaya't tinatanong niya si Cesar kung anak nga ba talaga nito?Iginiit pa ni Diego na magaling lang magmalinis si Cesar pero di naman nito maipagtanggol ang anak.

Nagbigay din ng reaksyon si Diego sa post ng ama na nagsasabi na binayaran na nito ang tuiton fee ng tatlong mga anak nito kay Sunshine Cruz. Ayon kay Diego, natural lang naman ito dahil obligasyon ng isang ama ito sa kanyang mga anak. Pero nasaan na raw ang pangako ni Cesar sa kanya? Tila nagpapahiwatig na ito ay tungkol sa pagpapaaaral sa kanya ng ama.

Maliban sa mga nasabing post nagkomento rin si Diego sa larawan ng ama na kasama si Gen. Ronald "Bato" Dela Rosa. Pa-sarkastiko niya itong pinuri sa pamamagitan nang pagsasabing "Galing, Idol". Sana raw ay makilala rin nila ng kanyang ina si Gen. Bato para maging cool sila ng kagaya ng kanyang ama.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Cesar hinggil sa naging pahayag ng anak laban sa kanya.

Source: kickerdaily.com
Loading...