Loading...

Saturday

Singer ng The Voice na si Christina Grimme, Pumanaw na

 
      Pumanaw na ang dayuhang singer na si Christina Grimmie matapos itong barilin ng isang 'di pa nakikilalang lalaki sa kanyang concert sa Orlando, Florida noong Biyernes ng gabi. Ito ang kinumpirma ng isang representative ng batang singer, Sabado ng umaga.

Si Grimme ay 22-taong gulang pa lang at naging contestant ng The Voice noong 2014. Nakilala rin siya dahil sa kanyang mga cover songs.

Bago ito ay bumuhos ng suporta at pagdarasal ang mga fans ni Grimme sa social media. Hiniling nila na sana ay maka-recover pa siya sa sugat na natamo nito dulot nang pamamaril. Pero sa kasamaang-palad ay hindi na ito nangyari pa.

Kasalukuyan diumanong nagsasagawa ng authoragp singning at nagbibenta  ng merchandise si Grimme at ang bandang Before You Exit nang biglang lumapit ang isang lalaki na may tangan-tangan na dalawang baril at bigla itong pinaputok sa kanya. Pagkatapos nito ay nagbaril din sa sarili ang lalaki at kaagad na namatay.

Hanggang sa kasalukuyan ay blanko pa rin ang pulisya kung bakit ito binaril ng suspek. Hindi malaman ng kapulisan kung paano nakapasok sa loob ng venue ang suspek gayung may dala-dala itong baril.

Loading...