Loading...

Monday

Twitter Account ni Maine Mendoza, Na-hacked!

           
             Na-hacked ang Twitter account ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza o Yaya Dub ng Eat Bulaga nito lang Nobyembre 3 ng umaga.
            Napag-alaman na ang nang-hacked ng Twitter account ni Maine ay ang grupong Anonymous Philippines. Nag—Tweet pa nga ang nang-hack sa account ng dalaga at nagsabing, "Sorry po if napadaan kami sa account ni yayadub, ibabalik din namin to sa tunay na may-ari..."  Umaasa ang mga fans ni Maine na ibabalik nga ng hacker ang Twitter account nito gaya nang sinabi nito.
            Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit dalawang milyong followers si Maine sa Twitter. Ipinagpapalagay ng marami na ito ang dahilan kung bakit hinacked ang kanyang Twitter account. Maliban sa pagsasabing isasaoli rin ang account ni Maine, may ilang serye na rin ng Tweets ang nai-post ng hacker na nagpu-promote ng paglaban sa corruption.
            Ang Anynomous Philippines ang nasa likod ng mga serye nang pagha-hack sa ilang government sites kabilang na rito ang National Telecommunications Commission  (NTC) dahil sa kawalan nito ng aksyon para mapabilis ang internet connection sa Pilipinas.



Loading...