Loading...

Monday

Rosas,May Health Benefits din?


Maraming mga kababaihan ang gustung-gusto ng rosas. Bakit hindi? Dahil bukod sa ito na ay maganda ay mabango rin ito. Kaya’t karaniwan na lang na kapag nanliligaw ang mga lalake sa babae ay ang bulaklak na ito ang ibinibigay. Dahil ang kahulugan diumano ng rosas ay pag-ibig. Ngunit hindi lamang sa ganitong usapin nakalimita ang gamit ng rosas dahil mayroon din itong pakinibang pagdating sa kalusugan.

Ang halimbawa nito ay ang rose water na ipinapatak sa mga iritadong mga mata at nagbababuti rin sa paningin. Ito rin ay maganda sa balat dahil nagsisilbi itong panlinis. Ang dapat lang na gawin ay hugasan at patuyuin ang iyong mukha sa pamamagitan ng paglalagay ng pinigaang rose water sa iyong leeg at mukha at masahiin ito sa loob ng ilang minuto. Dahil dito ay magpapaganda ang iyong skin tone at maaari ring pumawi sa blemishes o mga marka sa mukha.

Siyempre, ang rosas din ay nagsisilbing essential oil na sadyang maraming silbi kapag iyong  ginamit. Katunayan ay ginagawa itong aroma theraphy. Kapag iyong namang ipinahid sa katawan ay magpapakalma ito sa pakiramdam dahil nagsisilbi itong anti-depressant. Maaari ring ipahid sa sugat para makaiwas sa impeksyon. Mas mainam ito kaysa sa paggamit ng mga karaniwang anti-septic lotion.

Mayroon na ring tinatawag na rose tea, ito ay mula sa tangkay ng rosas. Ito ay nnaman ay nagsisilbing gamot sa mild sore throats at maging sa simpleng sipon at lagnat. Pinaniniwalaan ding ito ay nakakapag-alis ng mga rashes sa katawan at nakatutulong din para maging maayos ang pag-ihi.

Maging ang rose hip o bunga ng prutas, katulad sa bulaklak at tangkay ay may pakinabang din. Nagtataglay ito ng calcium, citric acid, iron, niacin, phosphorous at kung anu-ano pang nutrients. 

Tumutulong ito sa mga kababaihang may breast disorder at heavy menstration. Bukod dito ay nagsisilbi rin itong gamot sa diarrhea at sa mga nahihirapang dumumi. Naglilinis din n gating dugo, nagpapalakas ng immune system at marami pang iba. Kumbaga, ay wala ka ng hahanapin sa rosas dahil sa dami ng magaganda nitong katangian.
Loading...