Loading...

Thursday

Paano Maiiwasan ang Pagkakaroon ng Dandruff?


Ang balakubak o dandruff ay mga patay na tissue sa anit na nagkabitak-bitak. Kung tutuusin lahat naman ng tao ay naglalabas ng patay na tissue sa katawan. Mas matindi nga lang ang paglabas nito sa taong binabalakubak.

Mayroong dalawang klase ng balakubak ito ay ang oily at dry dandruff. Kumakati ang balakubak dahil nagtataglay ito ng fungus na tinatawag na P. Ovale. Ang iba para mawala ang balakubak ay dinadaan na lang sa pagkakamot. Samantalang ang iba ay ipinapagpag na lang. Pero madali lang naman na ito ay maiwasan. Panatilihin lang lagi na malinis ang buhok para hindi magkaroon o dumami ang mga patay na issue sa anit.

ung ikaw naman ‘yung tipo ng tao na oily ang buhok ay bawas-bawasan angpaggamit ng shampoo. Maganda lamang ang madalas na paggamit ng shampoo sa mga dry ang buhok. Siyempre, kung magsha-shampoo rin lang ay piliin na ang mga produktong mayroong anti-dandruff. O ‘di kaya ay gumamit ng gugo na kilalang pantanggal ng balakubak.

Ayon sa mga eksperto, ang labis na pag-iisip sa problema ay nakapagududulot din ng balakubak. Kaya’t panatilihinng kalmado lagi ang sarili kahit pa maraming mga problema. Maging ang pagpupuyat ay isa ring salik sa pagkakaroon ng balakubak. Kaya’t tiyaking husto lagi ang ginagawang pagtulog sa araw-araw.

Bawas-bawasan din ang paggamit ng hair spray at styling gel. Kapag nasobrahan kasi sa langis ang anit o buhok ay magdudulot lang ito ng balakubak. Nakatutuyo naman ng anit kapag nasobrahan sa paggamit ng artipisyal na pangkulay ng buhok. Nakatutulong naman ang pagbibilad ng ulo sa araw dahil nakapagpro-prodyus ito ng Vitamin D sa buhok. Huwag nga lang sosobra sa pagbibilad sa araw dahil masama na ang epekto nito. Ika nga maging balanse lang.

Ugaliin ding kumain ng mga pagkaing mayaman sa zinc, B-complex at fatty acids.


Loading...