Loading...

Thursday

Mga Pagkaing Pampalinaw ng Mata


Maraming dahilan kung bakit lumalabo ang ating mga mata. Ilan sa mga aspeto na nakapagpapalabo sa paningin ay ang masyadong pagka-exposed ng mga mata sa araw. Nariyan din ang usok mula sa mga sasakyan at mga alikabok na sa tuwina’y pupamapasok sa ating mga mata. Hindi rin mawawala ang sobrang pagtutok sa kompyuter at ang pagbabasa kahit nasa madilim n lugar. Kapag tumatanda na rin ang isang tao ay lumalabo na rin ang paningin nito. Ngunit ano ba ang dapat na gawin para maging malinaw ang ating mga mata?

Kinakailangan nating kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin A, B, C, D at E. Dahil ang mga nutrients na ito ay makatutulong ng malaki para maging malinaw ang ating paningin. Ugaliing kumain ng mga pagkaing mayaman sa beta-carotene gaya ng carrot, kale at spinach dahil ang mga ito ay lumalaban sa pagkasira ng mga muscle sa mata. Mainam din ang pagkain ng mais, grean peas at iba pa. Ang mga pagkaing nabanggit ay mayroong lutein at zeaxanthin, isa ring uri ng carotenoids na lumalaban sa pagkakaroon ng katarataka at pagkasira ng mga mata. Importante rin ang pagkaing lutein na matatagpuan sa egg yolks. Ang mga taong kumakain ng pagkaing mayroong carotenoids ay mas nakaiiwas sa pagkasira ng mata. Base sa pag-aaral,  ang mga taong may edad mula 40-59 na kumakain ng pagkaing mayaman sa naturang nutrisyon ay mababa lang ang porsiyento para magkaroon ng pagkasira ng mga muscle sa mata.


Mahalaga rin ang mga pagkain mayaman sa zinc tulad ng mga dairy products basta’t siguraduhin lang na ito ay sariwa. Bukod dito ay mainam din ang pagkain ng tuna o ng mga sardinas na mayaman sa Omega 3 dahil kilala ito para sa nakakapagplinaw at nakapagpapalusog ng mga mata. Mainam din ang pagkain ng citrus fruits, broccoli, green peppers at patatas dahil ang mga ito ay mayaman sa Vitamin C na lubhang kinakailangan ng ating katawan kabilang na nga ang mga mata. Kumain din ng blueberries dahil ito ay nakakapagtanggal ng pagkapagod ng ating mga mata. Sa kabilang banda naman ay iwasan ang mga pagkaing masyadong naluto sa mantika dahil ang mga ito ay maaring maapekto sa ating paningin. At ang isa pang importante ay ingatan ang ating mata lalo na’t ito ang sinasabing bukal ng buhay!


Loading...