Loading...

Monday

Health Benefits sa Kamias


          Ang kamias ay isang maliit na puno na may taas na 5 hanggang 12 metro.  Ang mga dahon nito ay may habang 20-60 cm, na nakahilera sa magkabilang tangkay.  Ang mga bulaklak nito ay may habang 1.5 cm at medyo mabango.  Ang bunga ng kamias ay kulay berde at pwedeng kainin, mga 4 cm lang haba, at medyo biluhaba.
Ang kamias ay kilala sa scientific name na Averrhoa bilimbi Kilala ito bilang kalamis, kalanuas, kolonanas o kolonawas sa Tagalog; kaliguia sa Visayas, kiling-iba sa Bikol, at pias sa Ilocos.

        Ang punong ito ay kilala sa mga katangiang nagpapagaling ng sakit.  Ang pinakuluang dahon ay gamot sa pamamaga ng rectum; ipinapainom din ito sa mga babae na nagsilang ng sanggol bilang protective tonic. Ang katas ng dinurog na dahon ay ipinapahid sa apektadong bahagi ng beke o mumps, rayuma at tagihawat.  Itinatapal din ang durog at mainit na dahon sa balat upang maibsan ang pangangati.

      Ang bunga nito ay ginagamit upang palabasin ang mga likido mula sa sugat.  Ang katas ng prutas ay ginagawang syrup at iniinom upang maibsan ang lagnat. Pinapagaan din nito ang bowel movement at pinapaginhawa nag almoranas. Ang tsaa mula sa pinakuluang bulaklak ay ginagamit na gamot sa ubo. Ang preneserbang prutas ay ginagamit upang gamutin ang beri-beri at sakit sa apdo at atay.

     Dahil sa oxalic content ng kamias, ang katas ng bunga nito ay mainam na pantanggal ng dumi’t mantsa sa damit at kalawang sa tanso. Maari rin itong gamiting sabong panlinis. 

   Madalas na ginagamit ang bunga ng kamias bilang sangkap sa pagluluto. Iyan ang kamias, hindi lamang panmedisina, pang-ulam pa.
Loading...