Ang guyabano o
soursop sa Ingles (scientific name Anoya muricata), ay isang maliit
na puno na kilala sa bunga nito at pagiging halamang gamot. Ang punong ito ay
nagmula sa tropical Amerika at dinala sa Pilipinas ng mga Espanyol. Kilala ito
sa tawag na guayabano o guabanosa Tagalog, atti sa
Ibanag, babana sa Bisaya
at bayubana o guyabana sa
Ilokano, at llabanos sa Bikol.
Ang
bunga nito ay may habang 15 hanggang 20 sentimetro at may bigat na kalahati
hanggang 2 ½ kilo. Ito ay makintab, dark green at binabalot ng mga malambot at
berdeng tinik. Ito ay may manipis na balat at puting laman at itim na buto na
nakabaon sa laman. Mataas ito sa
carbohydrates at nagtataglay ng Vitamin C, Vitamin B1, Vitamin B2, Potassium at
dietary fiber. Ang guyabano ay mababa sa cholesterol, saturated fat at sodium.
Masarap
na kainin ang prutas nito. Ang prutas ay maaari ring gawing sangkap sa paggawa
ng ice cream, kendi, shake, juice at iba pang inumin. Makagagawa din ng
minatamis mula sa manibalang ngunit hindi hinog na bunga.
Ang
guyabano ay ginagamit ding lunas sa iba’t ibang karamdaman. Sinasabing
mayroon itong katangiang pampakalma, pampapawis at pampasuka. Ang katas mula sa
pinakuluang dahon ay ginagamit na pangontra sa surot at lisa.
Upang
bumaba ang lagnat, ang pinakuluang dahon ay maaring inumin o ipampaligo. Ang
dinurog na dahon ay maari ring itapal sa paltos na balat upang bumilis ang
paggaling. Ang murang dahon ng guyabano ay maaring ipunas sa balat upang
guminhawa sa rheumatism at iba pang inpeksyon sa balat tulad ng eczema. Kapag
inilagay habang gumagaling ang sugat, maari ring mawala o mabawasan ang peklat
na dulot ng sugat. Ang pinakuluang dahon ay maari ring gamitin bilang wet
compress sa namamagang paa at iba pang uri ng pamamaga.
Ang katas
ng prutas ay iniinom bilang lunas sa mga sakit sa pag-ihi tulad ng urethritis
at hematuria at maging sa problema sa atay. Ang pinulbos o dinurog na buto ng
guyabano na inihalo sa sabon at tubig ay mabisang pang- spray sa mga higad,
armyworm at leafhopper sa mga halaman.
Bilang
gamot, ang prutas ay maaring gawing gamot sa ubo, scurry at lagnat. Ang buto at
berdeng prutas ay maaring gamiting pampasuka at gawing lunas sa disenterya o
gamiting pampampat ng pagdurugo. Ang ugat at dahon ay maaring gamot sa
colic at sa kombulsyon. Ang pinaghalong katas ng dahon o ugat ay maaring gawing
pampapawis at maaari ring ipahid sa iritayson ng balat at sa rheumatism.
Ang
kakayahang medisinal ng guyabano ay kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi pati
na rin sa Mexico , Malaysia , Indonesia , Celebes at sa West Indies .