Kilala ang carrot dahil madalas itong iugnay sa mga kuneho
dahil paborito nila itong kainin. Pero siyempre, ‘di lamang para sa kuneho
dahil higit sa lahat ito ay para sa mga tao. Ang carrot ay isa sa mga gulay na
maraming sustansyang makukuha kaya’t mainam ang kumain nito.
Isa sa benepisyo sa carrot ay nagsisilbi itong
pampalinaw ng mga mata dahil sa taglay nitong Vitamin A. Mainam ito para sa mga
taong hirap makakita sa gabi. Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang carrot ay
nakapagpapababa ng tsansa sa pagkakaroon ng katarata.
Sagana rin sa fiber ang carrot na
tumutulong naman sa pagpapabuti ng pagdumi. Dahil sa kakaunti lamang ang
naiimbak na pagkain sa loob ng katawan ay tiyak na bababa ang iyong timbang.
Isa pa, mababa rin sa cholesterol ang carrot kaya’t makaiiwas sa pagiging
mataba. Ang maganda pa sa carrot dahil sa taglay nitong fiber ay tumutulong din
ito sa problema sa sakit ng tiyan dahil nililinis nito ang ating bituka.
Bukod dito ay sagana rin sa
beta-carotene ang carrots na nagtataglay ng anti-oxidants na lumalaban sa mga
free radicals na pumipinsala sa loob ng ating katawan. Base pa nga sa
isinagawang pag-aaral ng iba, ang carrot ay nagpapababa ng tsansa sa
pagkakaroon ng cancer partikular na ang kanser sa baga.
Sinasabing ang carrot ay panlaban sa pagkakaroon ng high
blood pressure. Sagana kasi ito sa potassium na kumokontra sa sodium na nasa
ating katawan na nagpapataas ng tsansa sa pagkakaroon ng high blood pressure.
Nagsisilbi ring panlinis ng
ngipin ang carrot. Ito naman ay dahil mayroon itong mineral na tumutulong sa
pagpatay ng mga bakterya na nasa loob ng ating bibig. Kahit hindi pa nagsipilyo
matapos kumain ay magiging malinis ang ngipin basta’t kumain lang ng carrot.
Ang carrot din ay mayroong
carotenoid na tumutulong para kontrolin ang antas ng asukal sa ating dugo. Para
maiwasan ang diabetes ay mainam lamang na kumain ng carrot.