Loading...

Thursday

Bisa at Sustansya ng Mangga


Naghahanap ka ba ng prutas na masustansiya at magpapataas ng iyong energy level? Pasok rito ang mangga dahil nagtataglay ito ng samu’t saring protina na makatutulong sa kalusugan. Ang maganda pa sa bansa natin, tayo ay mayroong iba’t ibang uri ng mangga na tiyak na swak sa ating panlasa. Pumunta ka lang ng kanto at mayroon ka nang makikitang nagtitinda ng mangga. Nasa iyo na kung ano ang gusto mo ay hilaw o hinog na mangga.

Ang mangga ay mayroong anti-oxidants, minerals, vitamin A(beta carotene), vitamin E at Selenium na lumalaban sa pagkakaroon ng sakit sa puso at iba pang karamdaman. Mainam din ang mangga para labanan ang acidity at tumutulong ito para sa may mahihinang panunaw.Nagtataglay din ang mangga ng magnesium at ito ay tumutulong naman para mapababa ang blood pressure.

Pagkatapos ng work-out o physical activity ay mainam na kumain ng manga dahil nakapagpapanumbalik ito ng lakas at nagbibigay ng bitamina sa katawan. Base sa pag-aaral ang nutrient na nakukuha sa mana ay nakapagpapasigla ng utak, puso at nerve tissues na matatagpuan sa muscles.

Mayroon din itong glutamine acid, isang uri ng protina na nakatutulong sa memorya at sa ating concentration.May kakayahan din ang manga na makapagpakinis ng kutis dahil kayang-kaya nitong alisin ang mga ‘di kinakailangan clogged pores.

Dahil sa ang manga ay mataas sa iron inererekomenda ito sa mga mayroong anemia at sa mga buntis na kababaihan na palagi silang kumain ng prutas na ito. Ang magnesium at calcium na taglay ng manga ay nagsisilbing muscle relaxants para sa mga buntis na kababaihan. Bukod pa rito ay napalalakas nito ang kapit ng sanggol sa bahay-bata.

Bukod sa prutas, ang abo ng dahon naman ng manga ay mabisang gamot sa paso dahil mabilis nitong inaalis ang kirot. Ngubnit alam n’yo bang maging ang pintuyong buto ng manga ay nagpapalakas ng ating bagang kasing epektibo rin ng toothpaste.
Loading...