Loading...

Thursday

Aldub, Cover sa Preview Magazine


            Natutuwa ang mga fans ng Aldub o tambalang Alden Richards at Maine Mendoza. Cover kasi sila ng Preview Magazine para sa kanilang November issue.

            Ang Aldub magazine cover ay may titulong “Fantastic, Baby” na halaw sa tugtog na madalas i-dubsmash at sayawin ni Maine sa Eat Bulaga. Ang maganda, ang cover ay mayroong dalawang version kung saan ay parehong nakapatong ang braso ni Maine sa balikat ni Alden.

            Ayon sa pahayag na naka-post sa Facebook fan page ng Preview Magazine, plinano nilang mabuti kung paano gagawin ang Aldub cover. Hindi diumano magkasama sa pictorial sina Alden at Maine, maingat lang nilang inedit  ang picture ng dalawa.


            Ngayon pa lang ay usap-usapan na sa online ang Aldub cover. Namangha ang maraming netizen dahil talagang parang magkasama sina Alden at Maine. Ayon naman sa ilang netizen, bakit kailangan pang paghiwalayin pa sa pictorial ang dalawa gayung ilang beses na naman silang nagkita? 
Loading...