Loading...

Monday

Vice Ganda at Karylle, Nasuka Matapos ang Kanilang Kissing Scene sa Kapamilya Day!

            Marami ang nagulat nang biglang halikan ni Vice Ganda si Karylle sa kanilang Kapamilya Day na isinagawa sa Araneta noong Sabado (Sept. 26). Habang nagpi-perform kasi sila ng “I Kiss a Girl” na pinasikat ni Katty Perry ay bigla na lang hinalikan sa labi ni Vice si Karylle.

            Ayon kay Vice, pagkatapos ng kanilang performance ay sabay silang sumuka ni Karylle sa dressing room. Dumating pa raw si Yael Yuson, asawa ni Karylle at biniro ito ni Vice na dalhin sila ospital. Pareho raw kasing sumama ang kanilang pakiramdam na parang na-food poison sila. Misttula kasing naging lalaki si Karylle samantalang si Vice ay naging babae. Sinabi niya na nagawa niyang halikan si Karylle para mapasaya ang kanilang fans.

            Pero imbes na makapagpasaya ng mga tao ay umani ng negatibong reaksyon si Vice mula sa mga netizens, mapa-fans man ng Dos at Siyete. Ayon sa kanila, hindi maganda ang ginawa ni Vice dahil may asawang tao si Karylle. Para na rin daw binastos ni Vice si Yael. Hindi naman sila love team. Isa pa, maraming bata ang nanunuod ng Showtime.

            Kung sina Vice at Karylle ay nasuka sa ginawa nilang halikan, marami rin sa mga netizen ang nagsabi na nandiri sila sa kanilang nakita. Ipinagpalagay tuloy ng iba na isa itong desperadong hakbang ni Vice para makahabol sa rating ng Eat Bulaga dahil sa pamamayagpag ng Aldub sa telebisyon.  
(Source: abscbn.com)


Loading...