Loading...

Monday

Tips Para 'di Mabagot sa Trabaho


Naiinip ka na ba o masyado ng boring para sa iyo ang trabaho mo dahil pakiramdam mo ay routinary na lang ito? At sa palagay mo rin ay wala ka ng nakukuhang challenge mula rito? Kaya’t may mga pagkakataon na tinatamad ka na ring pumasok sa trabaho dahil sa sobrang pagkainip. Bago ka maburyong ng tuluyan ay may ilang pamamaraan para ito ay malabanan.

Makabubuting magkaroon ka ng kaibigan sa loob ng iyong pinag-tratrabahuan para mayroon kang mapagsasabihan ng sama ng loob o ‘di kaya’y katawanan kapag break time. Makatutulong ito para maging masigla ang iyong araw-araw na pagtratrabaho. Siyempre, dapat ay ‘yung kapareho ng iyong interes para magkasundo kayo. Paminsan-minsan ay maaari rin kayong gumimik sa labas para saglit na makalaya sa galaw ng paulit-ulit na trabaho.

Maaari ka rin namang mag-relaks habang nag-tratrabaho, ito ay sa pamamagitan ng pakikinig ng mga musikang nakakapagpaggan ng loob. Kapag nakararamdam ng antok ay mag-unat-unat lang. Kapag pakiramdam mo ay inaantok ka na ay uminom lang ng kape  o ‘di kaya’y energy drink para hindi pumikit ang mga mata. Ang huwag lang gagawin ay ang makipagkuwentuhan sa mga kasamahan habang nagtra-tabaho.

Makisali rin sa mga community outreach at activities ng kompanyang pinapasukan. Halimbawa, kapag mayroong outing o sports event ay huwag magdalawang isip na maging aktibo. Hindi lang ang pagkainip ang mawawala. Makikilala mo rin ng lubusan ang katangian ng iyong mga katrabaho. Magkakaroon ka pa ng pogi points sa kompanya dahil sa sigasig mong ipinapakita at baka magkaroon ka pa ng loyalty award. Kapag mayroong kasamahang nagbi-birthday ay huwag din itong kaliligtaang batiin at regaluhan na rin ng kahit ‘yung ‘di kamahalan. Kapag naging close ka na sa kanila at nagkaroon ng problema sa trabaho ay maaari ka pa nilang matulungan. Siyempre, maging masunurin ka rin sa lahat ng mas nakatataas sa iyo para hindi makaramdam ng pressure.

Mag-set up din ng goal sa iyong trabaho, maaaring short-term o long term goal. Mas dagdagan mo pa ang dami ng iyong nagagawa at pagbutihin lalo ang kalidad ng iyong trabaho. Para ito ay maisagawa ay kinakailangan mong mag-pokus nang husto. Ito na rin ang magiging sagot sa hinahanap mong challenge. Dahil baka sa kasipagan mo ay maisipan ka pa ng boss mo na mai-promote. Kapag nagawa mo ang iyong trabaho ng higit pa sa nararapat ay siguradong makararamdam ka ng fulfillment sa sarili.


Para hindi ka rin maboring ay mahalin mo ang trabaho mo dahil dito ka kumukuha ng araw-araw ng panggastos mo at pansuporta sa pamilya. Alam naman natin na napakahirap nang humanap ng bagong trabaho sa panahong ito
Loading...