Loading...

Thursday

Stress Management sa Trabaho


Natural lang na mapagod sa trabaho pero mayroon namang pamamaraan para maiwasan ang stress. Minsan kasi hindi ka pa nagsisimulang magtrabaho pakiramdam mo ay pagod ka na. Baka naman may mali sa working habit mo? Kaya't narito ang ilang tips para huwag ma-stress sa trabaho.

!. Paggising sa umaga importante na mag-strech-strech muna para mabuhay ang natutulog na dugo sa katawan. Siyempre kakambal na ng exercise ang pagkain ng masusustansiyang pagkain para magkaroon ng enerhiya sa pagtratrabaho.

2. Kapag pupunta na sa opisina o pinagtratrabahuan ay huwag tumakbo. Dahil hindi pa man nagsisimulang magtrabaho ay pagpapawisan na nang husto. Para hindi magahol sa oras ay agapan ang pagpasok sa trabaho. Hindi iyung parang laging nagmamadali.

3. Ugaliing maging masigla sa pagtratrabaho. Dapat mo itong i-enjoy kahit sa tingin mo ay routinary na lang ang iyong ginagawa. Kapag naging ganito ang pananaw tatamarin ka na ring magtrabaho, na para bang napipilitan na lang.

4. Ayusin ang lugar kung saan ka nakapuwesto. Ang maayos na paligid o atmosphere ay nakapagbibigay ng maaliwalas na pakiramdam. Kapag magulong tingnan ang lugar ay hindi makakapag-concentrate sa ginagawa.

5.Huwag tambakan ng sobrang daming trabaho ang sarili, gawin lang ang makakaya. Mabuting magtakda lamang ng kayang gawin sa buong araw para 'di sumakit ang ulo at mapagod nang husto.

6.Ayusin ang anumang appointment maging ito ay sa labas o loob ng iyong pinagtratrabahuan.
Mahalagang magkaroon ng time management para maging maayos ang schedule. Bigyang prayoridad ang bagay na mas importante.

7.Kapag masyadong nahihirapan sa trabaho humingi ng tulong mula sa iyong mga kasamahan para mapadali ang trabaho. Basta ba huwag lang maging palaasa sa iba.

8. Maging mabuti sa pakikitungo sa iyong amo at mga kasamahan sa trabaho. Dahil kapag may kagalit ay hindi maganda ang pakiramdam na nagiging sanhi rin ng stress.

9.Kinakailangan ring magrelaks pagkatapos ng mahabang trabaho para maikundisyon ang sarili. Magpamasahe sa mga kasamahan sa bahay para mawala ang sakit ng kasu-kasuan.

10. Iwasang magpuyat para hindi aantok-antok kinabukasan sa pagtratrabaho.
Kumbaga magreserba ng lakas para sa araw ng bukas.
Loading...