Loading...

Thursday

Relaxation Theraphy Mainam sa Kalusugan


Nakapapagod ang araw-araw na pagtratrabaho kaya’t kinakailangan talagang makapag-relaks para matanggal ang stress. Ang iba para marelaks ay nanunuod ng sine, kumakain sa labas, nagpupunta sa spa center atbp. Pero kapag walang perang panggastos ay nakukuntento na lang manuod ng TV o ‘di kaya’y matulog ng matagal sa bahay. Mahalaga ang pagrerelaks dahil napalalakas nito ang ating immune system at nilalabanan din ang stress. Bukod pa rito ay nagtataglay ito ng natural heealing power kung tayo man ay may mga dinaramdam.

Maaaring sa pagtingin o visualization sa magagandang bagay at lugar ay narerelaks na tayo. Kaya magandang mamasyal paminsan-minsan. Bukod sa maraming nakikitang bago ay gagaan pa ang pakiramdam, ‘di lang dahil sa ganda ng tanawin kundi dahil na rin sa paglanghap ng sariwang hangin. Kung bahay-opisina lang kasi ang ruta sa araw-araw ay maaaring magsawa at mauuwi sa pagkabagot at ito ay maaaring magdulot ng stress. Habang namamasyal ay sabayan din ito ng pag-iisip ng magagandang kaganapan na nais mong balik-balikan. Sa pamamagitan nito ay madadagdagan ang positibong damdamin na nararamdaman.

Maging ang musika rin ay maaari ring magbigay ng relaxation. Siyempre, dapat ay ‘yung mellow music ang pakinggan at hindi rock. Katunayan ay may tinatawag na music therapy. Pinapakalma kasi ng musika ang ating utak habang tayo’y nakikinig. Isa sa mga kumikilala sa bisa ng music therapy ay ang mga duktor sa rebilitation center. Bago matulog ang kanilang mga pasyente ay pinatutugtugan nila ang mga ito ng classical music para marelaks ang utak.


Mainan din ang aroma therapy, kinakailangan nating makaamoy ng mababango para marelaks. Kumpara kapag nakaaamoy ng mabaho na nagdudulot ng pagka-irita at stress. Para maing mabvango ay maaaring gumamit ng essential oils sa paliligo katulad ng chamonila(nakaaalis ng tensiyon, nagpapaganda ng tunog at nagpapakinis pa ng kutis); gesanium (nakabubuti sa mga mayroong depression); patchouli ( pang-alis stress); ylang-ylang( pamparelaks) atbp.
Loading...