Loading...

Thursday

Paano Mawawala ang Bad Breath?


Mahirap kapag bad breath ang isang tao dahil halos wala nang gustong makipag-usap sa kanya dahil habang nagsasalita ay naglalabas ng ‘di kanais-nais na amoy ang hininga. Ang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng bad breath ay ang mga kinakain. Kaya't para maiwasan ang pagkakaroon ng bad breath ay maging mapili sa ating mga kinakain. Ang ilan kasi sa ating kinakain ay mabilis na nakakapagpabulok ng ating mga ngipin. Ang pagkakaroon pa naman ng malusog na gilagid at mga ngipin ay mahalaga dahil ito ay salamin ng kabuuan ng iyong kalusugan. Kaya’t dapat lang na ingatan ang ating mga ngipin at bawas-bawasan ang pagkain ng matatamis.

Ngunit anu-ano ba ang mga magandang kainin para malabanan ang bad breath? Isa na rito ang keso na lumalaban sa cavities dahil mayroon itong nutrients gaya ng protein, calcium, phosphorous na nagne-neutralize sa plaque ng ngipin. Nilalabanan din nito ang asukal pagkatapos kumain ng matatamis. Maganda rin ang yogurt para sa paglaban sa bad breath dahil nagtataglay ito ng good bacteria na pumapatay sa bad bacteria na nananahan sa bibig. umain din ng mga pagkaing mayaman sa calcium, magnesium at mga prutas na mayaman sa vitamin C at ng mga gulay na tumutulong sa pangangalaga ng ngipin. Katulad ng carrots at mansananas na nagpaparami ng laway na nagsisilbing panlinis at nagpapanatiling basa sa loob ng ating bibig. Ang vitamin C ay nagsisilbing panlaban sa gum disease at gingivitis at pumapatay ng bacteria sa bibig.

Ang pag-inom din ng green tea ay nakatutulong para malabanan ang bad breath. Mayroon kasi itong polyphenols na pumapatay ng bacteria. Inirerekomdendang uminom ng green tea kahit isang tasa sa loob ng isang araw. Dahil bukod sa nakapagpapaalis ng bad breath ay pampalakas din ito ng ating metabolismo. Bilang karagdagan, importante rin na uminom ng gatas dahil ang nakukuha ritong nutrients gaya ng calcium, phosphorus, magnesium, vitamin D at iba pa ay nagsisilbing panblaban sa pagkasira ng ngipin. Ang calcium ay importante hindi lamang para mapanatiling malusog ang mga ngipin kundi pati na rin ang ating panga na pinakapundasyon ng ating mga ngipin.
Loading...