Loading...

Thursday

Online Dating, Ok nga ba?







    Sa panahon ngayon halos lahat ay hi-tech na. Usung-uso talaga ang internet, kung hindi ka pa marunong gumamit nito ay napag-iiwan ka na. Pero alam ba ninyong maging ang pakiki-pagdate ay hi-tech na rin. Mayroon na kasing tinatawag na online dating o internet dating. Katunayan, maraming naaadik dito, mapa-dalaga, binata, biyada, biyudo o kahit pa may mga asawa na.

             Matipid ang ganito kaysa aktuwal na pakikipag-date dahil 'di mo na kailangang mamasahe at bumili pa ng maiinom at makakain. Kahit sa bahay nga lang ay puede mo itong gawin basta may computer ka na may web cam. Kung wala naman ay maaaring mag-rent na lang sa labas. Sa pamamagitan ng chat ay magkakaroon ka ng komunikasyon sa iba. Siyempre, mag-uumpisa ang lahat sa pagpapakilala sa isa't isa. Kapag nakapalagayang loob mo na ang ka-chat ay maaari pa itong mauwi sa ligawan. At kung parehong type n'yo ang isa't isa, may karelasyon ka na agad. Puede na siguro itong tawaging cyber love at hindi cyber sex, ah. Ika nga love is on the air! Pero maging ganap ang relasyon kung magkikita kayo ng personal ng ka-date sa internet.

         Ang maganda rito ay lagi kayong may komunikasyon, pag-usapan lang kung ano'ng oras kayo available para magkatagpo sa internet. Walang hassle sa ganitong sistema lalo na't kung babae ka dahil ni dulo ng daliri mo ay hindi mahahawakan ng iyong ka-date. Sa pamamagitan ng online dating ay marami sa ating mga kababayan ang nakakapag-asawa ng foreigner palibhasa ay universal ang online dating. Pero ingat lang dahil baka ang ka-date mo sa internet ay may asawa na pala. Kaya hinay-hinay lang para 'di magoyo. Ang kagandahan pa rito, kapag 'di mo type ang isang tao ay 'di ka obligadong magpaliwanag sa kanya. 'Di tulad sa personal na mag-iisip ka pa ng magandang dahilan para 'di gaanung masaktan ang taong may gusto sa iyo. Dahil kung ayaw mo sa ka-chat mo ay exit ka lang at maghanap agad ng iba tutal marami ka namang mapagpipilian.

         Ayon sa mga nakasubok na ng online dating ay masaya raw sila dahil kakaibang karanasan ang ibinibigay nito sa kanila. Kaya't kung isa ka sa mga loveless na naghahanap ng pagmamahal bakit 'di mo ito i-try. Malay mo matagpuan mo rito ang taong makapagbibigay sa iyo ng inspirasyon para maging makulay uli ang iyong mundo, naks! Maraming site na puedng puntahan para rito gaya ng www.filipinaheart.com, xanga.com, meetic.com atbp. O, paano 'yan mag-online dating tayo!
Loading...