Loading...

Friday

Nakagagaling ang Uling


     Kung inaakala ninyo na ang uling ay ginagamit lang sa pagluluto aba'y nagkakamali kayo. Dahil ginagamit din ito bilang sangkap sa paggawa ng lapis,krayola, insenso atbp. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami na ang uling ay maaari ring panlunas sa iba't ibang uri ng sakit sa tiyan gaya ng kabag at pangangasim ng sikmura.

     Ihalo lang ang pulbos ng uling sa isang basong puno ng maligamgam na tubig at siguradong bubuti ang pakiramdam. Ang uling kasi ay may kakayahang humigop ng dumi sa katawan at kaya nitong alisin ang nakalalasong "animes" at "organic acid" sa ating bituka galing sa mga 'di natutunaw at nabubulok na pagkain sa tiyan. May kakayahan din itong magtanggal ng mga mikrobyong nabubuo sa ating kalamnan.

    Kapag uminom ka ng tubig na may pulbos ng uling ay wala namang kakaibang mararamdaman maliban sa pagtaas ng timbang dahil sa mga dumi na hinigop mula sa bituka. Ang kagandahan sa paggamit sa uling bilang gamot ay wala itong kemikal gaya ng droga kaya't hindi ito sumasama sa ating dugo.

    Bukod pa sa gamot sa sakit ng tiyan ay ginagamit din ito para pagalingin ang malalang sugat sa katawan, ulcer sa balat at gangrene. Inaalis nito ang masamang amoy na nanggagaling sa sugat. Pero dapat haluan muna ng kaunting langis ang pulbos ng uling bago ito ipahid sa sugat.

   Ang uling ay maaari ring gawing tsaa. Ito sa sa pamamagitan ng pagpapakulo ng kalahating litro ng tubig na nilalagyan ng kung ilang kutsara ng pulbos ng uking. Maaari itong inumin bago o pagkatapos kumain.

    Lumalabas lang na sa kabila ng kaitiman ng uling ay may itnatago itong kagandahan para sa kalusugan ng tao
Loading...