Loading...

Friday

Mocha Girls, Inaresto sa Malaysia


Noong nakaraang araw ay hinuli ng mga pulis sa Malaysia ang  mga miembro ng Mocha Girls dahil sa kawalan ng working permit.

Ayon sa Philippine Embassy, tinulungan na nila ang grupo at napakawalan na rin ang mga ito. Pina-deport na sila rito Pilipinas.

Nagbigay na rin ng pahayag ang Mochaa Girls sa insidente. Ayon sa kanila ay kasalanan ng producer ng show kung bakit sila hinuli sa Malaysia.Sa pagkakaalam kasi nila ay ang producer ang bahalang mag-asikaso ng kanilang working permit doon. Nagulat na lang nang hulihin sila ng mga pulis.


Sa ngayon ay kinukunsulta na ng grupo ang kanilang abogado para makapaghain ng reklamo sa korte laban sa producer ng show nila sa Malaysia.

Ang Mocha Girls ay nakilala dahil sa kanilang mga sexy dance move. Minsan na ring naging kontrobersyal ang grupong ito nang makipaghalikan ang kanilang lider na si Mocha sa isang miembro nila. 
Loading...