Loading...

Thursday

Mahiyain ka ba?


            May mga taong 'di marunong mahiya kahit mali na ang ginagawa. Pero mayroon ding likas na mahiyain. Ano nga ba ang nasa likod ng pag-uugaling ito?

            Ang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng tinatawag na inferiority complex o mababang pagtingin sa sarili. Kung kaya't ayaw nang nakikihalubilo sa iba. Dahil hindi alam kung paano makikibagay sa mga taong nasa paligid niya. Palaging ang nasa isip ay baka magkamali at mapulaan ng iba. Nangangahulugan lamang na hindi pa fully develop ang kanyang social skills. Ang isa pang dahilan ay hindi talaga alam kung paano ipapahayag ang sarili. Kaya't sinasarili na lamang kung ano ang iniisip o nilalaman ng damdamin. Tuloy nagiging misteryoso para sa iba dahil 'di mabasa ang tunay na ugali. Ang ilan ay nabuboring makipag-usap sa kanila dahil napakatipid kung magsalita.

          Paano nga ba mawawala ang pagiging mahiyain? Simple lang. Una, labanan ang takot sa pamamagitan ng pagharap dito. Huwag matakot ihayag ang sarili sa ibang tao. Lalong huwag mangingilag kapag mayroong nakikipag-usap sa iyo. Dahil mapapaunlad ang sarili sa pakikipagtalastasan sa iba't ibang uri ng tao. Pangalawa, linangin kung ano'ng talento o kakayahan mayroon ka. Makakatulong ito para magkaroon ng lakas ng loob na para harapin ang mundo. Ipagkibit-balikat lang ang anumang kahinaan dahil wala naman talagang perpekto. Ikatlo, maki-grupo sa iyong mga ka-edad o 'di kaya'y sumali sa iba't ibang uri ng organisasyon. Sa pamamagitan nito mawawala ang pagiging mahiyain at dadami pa ang kaibigan. Panghuli, isipin mo na lang na walang mangyayari kapag mahiyain ka. Hindi mapapansin ang iyong potensiyal kahit saang aspekto tingnan; mapa-eskuwelahan, pakikipagkaibigan, pakikipagrelasyon at lalung-lalo na sa pag-aapply sa trabaho.

        Oh, ano ngayon mahihiya ka pa rin ba?
Loading...