Loading...

Wednesday

Jovit Baldovino, Walang Respeto sa Kapwa Musikero-Wency Cornejo


Naglabas ng kanyang pagka-asar ang singer songwriter na si Wency Cornejo laban kay Jovit Baldovino dahil sa kawalan nito ng respeto sa kapwa singer  na nagpasikat ng “Pusong Bato” na si Renee dela Rosa.

Ayon sa post ni Wency sa kanyang social media account, noong Sept. 7 ay nag-concert sila sa Labangal, Gensan. Nakalulungkot diumanong isipin na may mga performer na katulad ni Jovit Baldovino na hindi marunong rumespeto sa mas nakatatandang musikero. Hindi man daw ganun kasikat, kung ang nagsulat at nag-record ng orihinal na awitin ay kasama mo sa show ay ‘di mo dapat unahang kantahin ang kanta nito. Inawit kasi ni Jovit ang Pusong Bato bago pa man sumalang sa entablado ang orihinal na singer nito. Kaya’t ganun na lang ang pagkadismaya ni Wency sa mas nakababatang singer.

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang naging pahayag ni Wency laban kay Jovit. Anila ay tama nga naman ang dating front man ng After Image sa kanyang tinuran. Ang ipinakitang asal ni Jovit ay isang maliwanag na pambabastos sa kasamahan niya sa show. Porke’t mas sikat ba siya kay Renee ay gaganituhin na lang niya ito? Pero mayroon din namang nagsasabi na bago husgahan si Jovit sa kanyang ginawa ay mas makabubuting pakinggan muna ang side nito.

Sa kabilang banda ay nagpaliwanag naman ang road manager ni Jovit na si Ahwel Paz na hindi naman nila intensyong makasakit ng kapwa musikero. Nag-request lang diumano si Kagawad Bobby Pacquaio,kapatid ni Manny Pacquiao na kantahin ni Jovit ang Pusong Bato. Dapat nga raw ay magdu-duet sila ng kagawad. At hindi sila aware o nasabihan na kasama pala sa show ang orihinal na kumanta ng Pusong Bato.

  Sa ngayon ay hindi pa direktang sumasagot si Jovit sa naging banat sa kanya ni Wency.

Loading...