Loading...

Thursday

Health Benefits sa Sitaw



          Ang sitaw na may kahabaan ay isang uri ng berdeng gulay, kung tawagin sa Ingles ay string bean o green bean at may scientific na Phaseolus Vulgaris. Pamilyar na ito sa mga bata dahil sa pagkakasama nito sa kantang Bahay-Kubo. Karaniwan na lang itong makikita sa hapag kainan nating mga Pinoy. Bukod sa mura na ay marami ring sustansiya ang makukuha natin rito.

          Ito ay mababa sa calories at magandang pagkunan ng protina, fiber, beta-carotene, Vitamin complex at carbohydrates. Nagtataglay din ito ng folic acid at molybdenum. Bukod dito ay nagbibigay ito ng maraming bilang ng iron at mangeses. Kayang-kayang ng sitaw na pababain ang cholesterol level sa ating katawan dahil mayaman nga ito sa fiber.

          Base pa sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ang mataas na fiber sa sitaw ay pumipigil sa pagtaas ng sugar level na mabilis tumaas pagkatapos kumain. Kaya’t maganda itong kainin ng mga taong may diabetes. Mayroon din itong Vitamin K na tumutulong naman para manatiling matatag ang ating mga buto.

        Sinasabing ang sitaw din ay nakapagpapalusog ng ating puso dahil sa taglay nitong fiber antioxidants, folic acid, vitamin B6, potassium at magnesium. Ang folic acid at vitamin B6 ay tumutulong para pababain ang level of homocysteine, isang salik na nagiging sanhi ng atake sa puso, stroke at peripheral vacular disease. Samantalang ang magnesium at potassium naman ay tumutulong para pababain ang pagtaas ng blood pressure.

          Ayon pa rin sa pag-aaral ng mga dalubhasa tulkad ng ibang gulay ang sitaw ay mayyroon ding kakayahan na labanan ang pagkakaroon ng cancer. Halimbawa na rito ay ang colon cancer, ang Vitamin C at beta-carotene sa sitaw ay prinoproktektahan ang colon cells sa masamang epekto ng free radicals. Samantalang inaalis naman ng fiber ang toxins  sa colon.

Ipinapayo sa mga mamimili na kapag bibili ng sitaw sa palengke, ang piliin ay yaong makinis, matingkad at walang sira para makasiguradong marmi pa itong sustansiya.
Loading...