Loading...

Thursday

Gamot sa Rayuma (Rheumatism)


Kaakibat na ng pagtanda ng isang tao ang pagkakaroon ng problema sa kalusugan.  Kabilang na rito ang tinatawag na rayuma na madalas na iniaangal ng mga nakatatanda. Ngunit kahit pa yaong bata-bata ang edad ay maaari rin nitong tamaan.

Ang sanhi ng rayuma ay ang pagkakaroon ng pamamaga sa kasu-kasuan, dahilan para hindi maiunat at naninigas ang parteng ito ng katawan. Sinasabing ito rin ay namamana dahil isa itong sakit na may genetic pre-desposition. Maraming dahilan ng pagkakaroon ng rayuma kasama na nga rito ang pagtanda, tumor, gout rheumatic , sakit sa nervous system at marami pang iba.

Para mabawasan ang epekto ng rayumna ay makabubuting mag-ehersisyo para lumakas ang mga muscle at kasu-kasuan. Ugaliing igalaw-galaw ang mga kasu-kasuan sa araw-araw para maiwasan itong manigas. Ngunit importanteng huwag masosobrahan sa stretching dahil lalo lang itong sasakit.

Makatutulong din ang pagligo ng mailgamgam na tubig tuwing umaga para mawala ang paninigas ng mga kasu-kasuan.

Kapag umaatake ang rayuma ay punasan ang kumikirot na bahagi ng kasu-kasuan ng bimpong binasa ng maligamgam na tubig sa loob ng kalahating oras. Kapag labis ang pamamaga ay makabubuting huwag na lang iton gawin. Makabubuting ipahinga na lang  ang apektadong parte ng katawan.

Mayroon din namang mga alternatibong paraan para mawala ang kirot sanhi ng rayuma. Ito ay sa pamamagitan ng pagpahid ng mga halamang-gamot. Tulad ng luyang dilaw, tadtarin ito at haluan ng langis at itapal sa kasu-kasuan sa buong magdamag. Uubra rin ang herma buena,ang tangi lang gagawin ay pakuluan ang apat na kutsara ng tuyong dahon sa dalawang tasang tubig sa loob ng labinlimang minuto saka ito inumin.

Kung sakali namang ginaa na ang lahat pero wala pa ring pagbabago at patuloy lang sa pagkirot ng rayuma ay makabubuting pumunta na sa espesyalista para mabigyan ng karampatang gamot para mabawasan ang kirot na dulot ng rayuma.
Loading...