Loading...

Wednesday

Claudine Barretto, Never Minahal si Raymart Santiago?


              Sa panayam ni Kris Aquino sa kanyang programang Kris TV last monday, natanong  ng host ang actress na si Claudine Barretto  kung bakit ‘di nag-work ang relationship nila ni Raymart Santiago.

                Ikinuwento ni Claudine na noong panahon na namatay ang kanyang dating boyfriend na si Rico Yan ay malungkot na malungkot siya at dinamayan siya ni Raymart. Sobrang in love sa kanya noon ang actor samantalang siya ay broken hearted dahil nga sa biglang pagpanaw ng dating nobyo. Hanggang sa nahulog na rin ang loob niya kay Raymart dahil sa magagandang ipinakita nito habang siya ay lugmok sa kalugkutan.

                Ayon kay Claudine ay hindi nagkaroon ng closure ang ang relasyon nila ni Rico Yan. Sinisisi pa nga raw niya ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay nito at nakaramdam pa siya ng guilt na ilang taon niya ring dinala sa kanyang kalooban. Kahit napangasawa pa niya si Raymart ay lagi pa rin niyang naalala si Rico. Sa tingin ni Claudine, dito nag-ugat ang problema sa pagsasama nilang mag-asawa. Dahil parang naging pang-rebound lang si Raymart.

                Nang tanungin ni Kris si Claudine kung ano ang ibig niyang sabihin sa salitang rebound ay hindi na niya ito ipinaliwanag pa. Binigyang kahulugan ito ni Kris na “sinalo” base sa kanyang pagkakaintindi sa sinabi ni Claudine. Nagbigay payo pa si Kris sa mga broken hearted na kailangan muna nilang maging buo ulit bago magmahal muli o pumasok sa bagong relasyon.


                Sinabi ni Claudine na sa ngayon ay okay naman sila ng kanyang estranged husband na si Raymart. Ipina-process pa rin ang kanilang annulment, pero magkaibigan sila. Hindi naman niya ipinagdadamot ang kanilang mga anak, open ang actor na dalaw-dalawin ang mga ito sa kanilang bahay. 
Loading...