Loading...

Monday

Citizen Journalism: Bagong Uri ng Pamamahayag


Nauuso ngayon sa sektor ng media, ma-print man o telebisyon. Kapansin-pansin na kumukuha sila ng kontribusyon mula sa mga ordinaryong mamamayan. Tulad ng mga balita, litrato o maging ng bidyo. Ito ang tinatawag ngayon na citizen journalism, kung saan ay may partisipasyon ang kahit sino sa larangan ng pamamahayag. Nangangahulugan ba ito na nasasapawan na ang mga totoong nasa media o bagkus ito ay nakatutulong pa nga sa kanila?

Ang ganitong senaryo ay masasabing bunsod na rin ng pagbabago ng panahon dulot ng teknolohiya. Nang mauso ang internet ay nagsilbi ito daluyan ng samu’t saring impormasyon kabilang na nga rito ang pagbabalita. Wala ng bibilis pa rito, mas nauuna pa nga ritong limabas o mailathala ang mga importanteng kaganapan kaysa iba pang uri ng midyum sa pamamahayag. Mapa-blog man ito o mga community sites gaya ng Twitter. Hindi na pinag-uusapan rito kung propesyunal ba o amateur ang nagbabalita. ‘Yun nga lang ay may mga pagkakataon na kuryente o hindi pala totoo ang ilang mga nababalita. Nagdudulot lang tuloy ito ng kalituhan sa mga tao. Magkagayunpaman ay ‘di maikakaila ang kapangyarihang dulot ng citizen journalism. Lalo na’t ito ay bukas para sa lahat saan ka mang panig ng mundo. Marahil isa ito sa mga dahilan kung kaya’t ginamit na rin ng mga higanteng korporasyon ng media ang bisa nito. Siyempre, ‘di maaaring mawala rito ang gabay ng mga lehitimong nasa media para na rin sa kaayusan ng lahat.

Sa kabilang banda naman ay mayroon talaga itong mabuting epekto. Dahil hindi naman lahat ay nakararating sa kaalaman ng mga reporter. Kaya’t mahalagang mayroong magbigay alam ng mahahalagang kaganapan lalo’t naroon siya sa aktuwal na pangyayari. Kinakailangan nga lang na suriing mabuti ang impormasyon pumapasok para mapatunayang may katotohanan nga ito. Ngunit kung ito ay bidyo o larawan ay ito na mismo ang nagpapakita ng kung ano nga ang nangyari. Naging epektibo ang ganitong uri ng pagpapahayag lalo noong panahon nina bagyong Ondoy at Pepeng. Marami tayong mga kababayan na nag-ambag ng kanilang mga kuhang litrato at bidyo hinggil sa naturang kalamidad. Magpapatuloy pa rin ang ganitong paraan ng pagbabalita hanggang sa hinaharap.

‘Yun nga lang ay walang nakalaang kompensasyon sa ganitong uri ng pamamahayag. Ngunit sapat na marahil ang maparating sa marami ang balita o impormasyong nais ibahagi. Iba rin ang dating na sa pag-inog ng panahon, kahit sino ay may karapatan nang maging mamamahayag.Nauuso ngayon sa sektor ng media, ma-print man o telebisyon. Kapansin-pansin na kumukuha sila ng kontribusyon mula sa mga ordinaryong mamamayan. Tulad ng mga balita, litrato o maging ng bidyo. Ito ang tinatawag ngayon na citizen journalism, kung saan ay may partisipasyon ang kahit sino sa larangan ng pamamahayag. Nangangahulugan ba ito na nasasapawan na ang mga totoong nasa media o bagkus ito ay nakatutulong pa nga sa kanila?

Ang ganitong senaryo ay masasabing bunsod na rin ng pagbabago ng panahon dulot ng teknolohiya. Nang mauso ang internet ay nagsilbi ito daluyan ng samu’t saring impormasyon kabilang na nga rito ang pagbabalita. Wala ng bibilis pa rito, mas nauuna pa nga ritong limabas o mailathala ang mga importanteng kaganapan kaysa iba pang uri ng midyum sa pamamahayag. Mapa-blog man ito o mga community sites gaya ng Twitter. Hindi na pinag-uusapan rito kung propesyunal ba o amateur ang nagbabalita. ‘Yun nga lang ay may mga pagkakataon na kuryente o hindi pala totoo ang ilang mga nababalita. Nagdudulot lang tuloy ito ng kalituhan sa mga tao. Magkagayunpaman ay ‘di maikakaila ang kapangyarihang dulot ng citizen journalism. Lalo na’t ito ay bukas para sa lahat saan ka mang panig ng mundo. Marahil isa ito sa mga dahilan kung kaya’t ginamit na rin ng mga higanteng korporasyon ng media ang bisa nito. Siyempre, ‘di maaaring mawala rito ang gabay ng mga lehitimong nasa media para na rin sa kaayusan ng lahat.

Sa kabilang banda naman ay mayroon talaga itong mabuting epekto. Dahil hindi naman lahat ay nakararating sa kaalaman ng mga reporter. Kaya’t mahalagang mayroong magbigay alam ng mahahalagang kaganapan lalo’t naroon siya sa aktuwal na pangyayari. Kinakailangan nga lang na suriing mabuti ang impormasyon pumapasok para mapatunayang may katotohanan nga ito. Ngunit kung ito ay bidyo o larawan ay ito na mismo ang nagpapakita ng kung ano nga ang nangyari. Naging epektibo ang ganitong uri ng pagpapahayag lalo noong panahon nina bagyong Ondoy at Pepeng. Marami tayong mga kababayan na nag-ambag ng kanilang mga kuhang litrato at bidyo hinggil sa naturang kalamidad. Magpapatuloy pa rin ang ganitong paraan ng pagbabalita hanggang sa hinaharap.

‘Yun nga lang ay walang nakalaang kompensasyon sa ganitong uri ng pamamahayag. Ngunit sapat na marahil ang maparating sa marami ang balita o impormasyong nais ibahagi. Iba rin ang dating na sa pag-inog ng panahon, kahit sino ay may karapatan nang maging mamamahayag.
Loading...