Loading...

Monday

AlDub Magkakaroon ng Mcdo Commercial?

           Talagang wala nang makapipigil sa kasikatan ng AlDub o nina Alden Richard or Maine Mendoza. Noong Lingo ay nag-trending ang sa Twetter ang hash tag na #ALDUforMcDoTVC. Ito ay matapos na ma-ispotan si Maine na na nasa isang branch ng Mc Donald at nagsu-shooting ng commercial.

            Sa ngayon ay hindi pa maliwanag kung magiging kasama ni Maine si Alden sa lalabas na commercial ng McDo. Hinihiling tuloy ng mga fans na AlDub na sana nga ay magkasama silang dalawa dahil talaga namang swak ang kanilang chemistry.

            Ang Aldub ay isang love team ay aksidente lang na mabuo matapos na tuksuhin ng mga cast ng Eat Bulaga si Maine. Alam kasi nila na may crush talaga ang dalaga kay Alden. Natural ang kilig na ipinakita nito at matapos nito ay nagsimula na ang phenomenal love team nilang dalawa.


          Sa ngayon, walang makapagsasabi kung hanggang kalian magtatagal ang tambalang Aldub. Pero habang mainit pa sila dapat lang nila itong samantalahin. For sure, hindi lang Mc Donald ang kumpanyang lalapit sa kanila. Alam naman natin na kapag sumisikat ang mga celebrity ay kaliwa’t kanan ang nagiging endorsement nila. 
Loading...