Loading...

Sunday

Julia Baretto, No Boyfriend Since Birth?


             Kamakailan, sa pakikipagkuwentuhan ni Enzo Guieterrez ng PBB 737 sa kanyang mga housemate ay inamin niya na nagkaroon sila ng relasyon ni Julia Baretto. Naging girlfriend niya raw ito noong sila ay high school pa lang. Pero nang tanungin ang young actress hinggil sa naturang issue ay itinanggi nito na naging sila ni Kenzo. Aniya ay naging kaibigan niya ito noong sila ay nasa grade school pa lang.

                Bago si Kenzo ay may nag-claim na rin na naging girlfriend niya si Julia. Ito ay si Julian Estrada, anak ni Senator Jinggoy. Pero katulad kay Kenzo ay itinanggi rin ng young actress na naging sila.

                Nagkaroon din ng rumor na may nakakita raw kay Julia na nakikipaghalikan siya kay James Reid sa isang resto. Pero pareho nang itinanggi ni Julia at James ang nasabing tsismis. At ngayon naman ay napapabalitang nagkakamabutihan si Julia sa anak ni Piolo na si Inigo. Kung may nangyayaring ligawan sa pagitan ng dalawa ay walang inaamin si Julia at wala rin siyang itinatanggi. Ang tanong tuloy ng iba, sino ba talaga ang gusto niya kina James Reid at Inigo Pascual. Ang dalawa ay pareho niyang kasama sa pelikulang Hopeless Romantic.


                Ano naman kaya ang masasabi ng daddy niya na si Dennis Padilla sa issue na patungkol sa kanyang daughter? 
Loading...