Loading...

Monday

Bakbakang Pacquiao at Mayweather, Tuloy na sa May 2!



         Sa wakas ay mukhang matutuloy na rin ang labanang inaabangan ng lahat, sa pagitan ng dalawang kapeon na boksingero na sina Manny Pacquaio at Floyd Mayweather Jr. Ito ay matapos kumpirmahin ni Mayweather na matutuloy na lang ang kanilang laban sa May 2.  Ipinahayag niya ito sa pamamagitan ng social media platform na Shot kung saan ay  nagsisilbi siyang investor.

Matatandaang noong January 27 ay nagkita sina Pacquaio at Mayweather sa laro ng Miami Heats sa Las Vegas, Nevada at nagkapalaitan pa sila ng cellphone number. Pagkatapos nito ay may lumabas pang larawan ang dalawa na nag-uusap sa isang hotel. Dito na nila diumano namuo ang kanilang plano hinggil sa kanilang laban.

Bago matuloy ang laban nila sa May 2 ay kung ilan taon din na nagkahamunan ang dalawa, pero lagi na lang itong 'di natutuloy dahil maraming kundisyon na hinihingi ang isa sa kanila. Laging sinasabi ni Pacquaio na handa niyang labanan si Mayweather, pero lagi na lang itong umiiwas. Napapagbintangan tuloy ito na natatakot siyang labanan ang ating pambansang kamao. Nababatid ng lahat na si Mayweather ay 'di pa nakalalasap ng pagkatalo sa kanyang mga laban. Kaya't posibleng diumano pinuprotektahan lang nito ang kanyang record. Pero ngayong nagkasundo na ang dalawa, magkaaalaman na rin sa wakas kung sino ang tunay na matibay sa ibabaw ng ring.
Loading...