Pinoy Blog Watch

An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.

Powered by Blogger.

Featured Posts

Sports

Mar 27, 2017

Fans ni Angel Locsin, Magsasagawa ng Walk Protest Laban sa Star Cinema

No comments :
Nakatakdang magsagawa ng walk protest ang ilan sa fans ni Angel Locsin dahil sa 'di na matutuloy ang pagganap nito bilang Darna sa pelikula na ipuprodyus ng Star Cinema. Naniniwala ang nasa likod ng protesta na ito na di ito makatarungan dahil matagal na nilang inaasam na makita si Angel na gumanap muli bilang Darna.

Ang protesta ay pinamagatang #AWalkforAngelLocsin. Maglalakad ang mga dadalo mula sa labas ng GMa compound corner EDSA papuntang ABS-CBN. Ang nasabing protesta ay gaganapin sa  March 21 ng tanghali.

Nagsimula ito matapos manawagan ang Instagram user na si gilliette27. May mga fans naman ni Angel na handang sumama sa walk protest na ito.

Sa ngayon ay wala pang komento si Angel at ang Star Cinema hinggil sa nasabing protesta.
Source: balita.net.ph, lionheartv

Mar 26, 2017

Viral: Batang Magaling Kumanta, Nanghaharana sa Mga Tao Para Makasali sa Tawag ng Tanghalan!

No comments :
Photo Crdit: Ramos Ivan
        Viral ngayon ang video ng batang kumakanta ng 'Till I Met You sa isang restaurant na pinost ng Facebook user na si Ramos Ivan. Maraming mga netizens ang naantig sa kanyang istorya dahil kinailangan niyang lumikom ng pera pang-gastos niya. Gusto niya kasing sumali sa pa-contest ng Show Time- ang Tawag ng Tanghalan (Kids Edition).

Ang batang nasa viral video ay kinilalang si Zildjian James A. Parma ng Polangui South Central School.

Nakatanggap ng magagandang komento ang video ni James mula sa mga nakapanood. Anila ay napakagaling niyang kumanta. Sana ay makita raw nila ito na kumakanta sa tawag ng Tanghalan. Kaya't sana lang ay may tumulong sa kanya para mangyari ito. Idinagdag pa ng ilang netizens na ipagpatuloy lang nito ang kanyang pangarap at balang-araw ay may maganda ring mangyayari sa kanyang buhay.

     Pero meron ding mga nag-alala sa bata dahil mag-isa lang itong lumuwas ng Maynila. Napakadelikado ng kanyang ginawa at huwag sana itong gayahin ng ibang bata para na rin sa kanilang kaligtasan.

Panoorin ang video:

Barangay Election, Dapat nga bang Ipagpaliban?

No comments :

      Mainit ngayon na pinag-uusapan ang pagpapaliban sa barangay election ngayong taon. Huli itong isinagawa noong 2013. Balak kasi ng pamahalaan ni Duterte na huwag na munang matuloy ang barangay election para makatipid ang gobyerno. Kapag 'di ito natuloy maaaring ang mga mayor na lang ang pumili ng kanilang magiging kapaitan sa isang barangay.

Marami ang 'di sang-ayon sa balak na ito ng pamahalaan dahil lubhang delikado. Ayon kay sa dating senador na si Nene Pimentel ay nakakabawas ito sa demokrasya. Ginawa na ito noon ni Pangulong Ferdinand Marcos.Hindi naman daw lagat ng nasa LGU o ang mapipiling barangay captain ay matitino. Apatnapu't porsiyento nga raw sa mga barangay captain sa bansa ay sangkot sa iligal drugs. Maging ang ilang kaalyado ni Pangulong Duterte ay tutol din dito. Katulad ng senador na si JV Ejercieto, inaasahan daw ng mamamayan na matutuloy ang barangay election kaya't dapat lamang ito na isagawa.

         Maaaring mabuti ang layunin ng gobyerno sa pagpapaliban ng barangay election. Pero mas maganda na hayaan natin na ang mga tao ang mamili kung sino ang gusto nilang mamuno sa kanilang mga barangay. Paano kung gusto na nilang palitan ang kanilang kapitan? Tapos ang kapitan na ito ay dikit kay mayor o kung sino mang maghihirang sa kanila. Eh, 'di wala na. Kailangan pa nilang pagtiisan ang kanilang barangay captain na isinusuka na nila. Saka alam naman natin ang sistema ng pulitika sa bansa ay 'kumpadre system'. Paano kung ang mga barangay captain na hinirang na mayor ay magbalik ng utang na loob. Siyempre, ang dadalhin nila sa local election ay ang humirang sa kanila? O, 'di ba ang saya-saya?

Mar 24, 2017

Lalaki, Patay Matapos Tumalon sa 4th Floor ng Isang Mall sa Cainta

No comments :
Photo Credit to Kian P. Sen Full
   Isang lalaki ang patay matapos itong tumalon mula sa ikaapat na palapag ng Sta. Lucia East Mall sa may Cainta, Rizal.

        Ayon sa Facebook user na si Kian Sen, nasa mall siya ng hapon noong March 24 nang bigla na lang may kumalabog nang malakas. Yun pala ay may tao nang tumalon galing sa itaas. Nakita na lang ng mall goers na putok ang ulo ng 'di pa nakikilalang lalaki.

     Hindi ito ang unang pagkakataon na may tumatalon o nagpapatiwakal sa loob ng mall. May mga insedente na rin na napaulat na mga tumalon sa ilang branches ng SM Mall.

      Ayon sa mga kuru-kuro, paraan nila ito upang makuha ang simpatya ng maraming mga tao kaysa lumisan sila na kakaunti lang ang nakakaalam.

    Samantala, ipinapayo naman ng mga psychiatrist na kung napapansin ang isang kaanak o kaibigan na dumadaan sa matinding depression ay kausapin ang mga ito at iparamdamna may nagpapahalaga sa kanila. Makabubuti ring hikayatin silang lumapit sa psychiatrist para mabigyan sila ng propesyunal na payo.

Feb 8, 2017

Miss Universe Iris Mittenaere, Hindi Raw Lesbian

No comments :
Itinanggi ng bagong hirang na Miss Universe na Iris Mittenaere ang kumakalat na bali-balita na siya ay isang lesbian. Katunayan ay mayroon siyang boyfriend at masaya ang kanilang relasyon.

Nagsimula ang tsismis nang may mga litrato na kumalat na may kasa-kasamang babae si Iris na kung titingnan ay super close sila. Sinabi ni Iris na bestfriend niya ito at hindi girlfriend.

Ayon sa tagasubaybay ng pageant kung nagkataon, si Iris ang kauna-unahang lesbian na nanalo ng Miss Universe.

Feb 7, 2017

Cesar Montano, Binira ng Anak na si Diego Loyzaga sa Instagram Post

No comments :
Naglabas ng hinananakit ang batang aktor na si Diego Loyzaga, anak ni Cesar Montano sa aktres na Teresa Loyzaga. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang mga post sa Instagram. Tinawag ng batang aktor ang kanyang ama na hipokrito, duwag at walang isang salita o di marunong tumupad sa pangako.

Naghihinanakit si Diego dahil limang beses na diumano siyang ipina-drug test ng kanyang ama at laging negatibo ang resulta. Pero sa kabila nito ay adik pa rin diumano siya sa paningin ng ama. Kaya't tinatanong niya si Cesar kung anak nga ba talaga nito?Iginiit pa ni Diego na magaling lang magmalinis si Cesar pero di naman nito maipagtanggol ang anak.

Nagbigay din ng reaksyon si Diego sa post ng ama na nagsasabi na binayaran na nito ang tuiton fee ng tatlong mga anak nito kay Sunshine Cruz. Ayon kay Diego, natural lang naman ito dahil obligasyon ng isang ama ito sa kanyang mga anak. Pero nasaan na raw ang pangako ni Cesar sa kanya? Tila nagpapahiwatig na ito ay tungkol sa pagpapaaaral sa kanya ng ama.

Maliban sa mga nasabing post nagkomento rin si Diego sa larawan ng ama na kasama si Gen. Ronald "Bato" Dela Rosa. Pa-sarkastiko niya itong pinuri sa pamamagitan nang pagsasabing "Galing, Idol". Sana raw ay makilala rin nila ng kanyang ina si Gen. Bato para maging cool sila ng kagaya ng kanyang ama.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Cesar hinggil sa naging pahayag ng anak laban sa kanya.

Source: kickerdaily.com

Feb 6, 2017

URCC, Gustong Paglabanin Sina Sen. Migz Zuburi at Sen. Antonio Trillanes

No comments :
                       
   Nag-alok si Alvin Aguilar, presidente ng United Reality Combat Championship (URCC) na sponsoran ang bakbakan nina Sen. Migz Zubiri at Sen. Antonio Trillanes. Ito ay kung kanila lamang gugustuhin. Kahit sa susunod na buwan ay maaari na itong gawin. Match na match daw ang dalawa dahil si Sen. Zubiri ay world champion ng arnis habang si Sen. Trillanes naman ay may military training.

        Umani nang iba-ibang reaksyon ang alok ng URCC president, sabi ng ibang netizens umiepal lang daw ito. Nagkaayos na naman ang dalawang senador kaya't bakit kailangan pang pagsabungin? Gusto lang daw ito pagkaperahan ng grupo ni Aguilar gaya nang ginawa nila sa laban nina Baron Gaisler at Kiko Martos na scripted naman pala. Samantalang ang iba naman ay humihiling na sana nga ay pumayag ang dalawang senador na maglaban. Kapag nagkataon malalaman kung sino ang tunay na tigisin ang Bisaya ba na si Sen. Zubiri o ang tubong Bicol o Oragon na si Sen. Trillanes?

         Matatandaang kamakailan ay nagkainitan ang dalawang senador matapos akusahan nina Sen. Trillanes si Sen. Zubiri kasama si Sen. Gordon nang pangwa-white wash hinggil sa imbestigasyon sa nangyayari extra-judicial killing sa bansa. Pero ang higit na ikinagalit ni Sen. Zubiri ay sabihan siya na nandaya siya sa eleksyon sa pagka-senador kung kaya't napilitan siyang mag-resign noon.
Kinompronta pa ni Zubiri si Sen. Trillanes at naghamunan pa sila. Muntik na itong mauwi sa physical
na sakitan.